MAGBIBITIW | White house counsel Don Mcgahn, magbibitiw – U.S. Pres. Trump

Amerika – Ibinunyag ni U.S. President Donald Trump na magbibitiw na sa kanyang trabaho si White House Counsel Don Mcgahn.

Ayon kay Trump, aalis si Mcgahn sa panahon ng tag-lagas kasunod ng confirmation kay U.S. Supreme Court Judge Brett Kavanaugh.

Pinasalamatan ni Trump ang ibinigay na serbisyo ni Mcgahn sa kanya.


Si Mcgahn ay nagsilbing ‘key architect’ ni Trump sa mga matagpumpay na hakbang sa pag-reshape ng federal courts.

Nakabangga rin ni Trump si Mcgahn dahil sa planong nitong manghimasok sa imbestigasyon ng U.S. Justice department kaugnay ng pangingialam ng Russia 2016 U.S. Elections.

Facebook Comments