MAGBIGAY KAALAMAN | Quezon City Government, pangungunahan ang gagawing Nationwide Simultaneous Earthquake Drill ngayong araw

Quezon City – Magiging sentro ng drill ng Quezon City ang pagsubok sa kakayahan ng pamahalaang lungsod sa pagtugon sa tamang pamamahala sa daloy ng trapiko, mga hindi inaasahang pagsiklab ng sunog, clearing operations, relief operations, tamang pamamahala sa mga nasawi at nawawala, peace and order, at ang tinatawag na Rapid Disaster and Needs Analysis.

Itatalaga din sa earthquake drill ang apat na staging areas tulad ng Quezon Memorial Circle, Quezon City Hall, Quezon City General Hospital, at Veterans Memorial Medical Center.

Masusubukan din ang kakayahan ng QC General Hospital sa mga ganitong emergency situation kung saan magse set-up ito ng field hospital sa labas ng gusali.


Habang ginagawa ang earthquake drill, iba’t-ibang senaryo din ang gagawin sa loob ng Quezon City Circle tulad ng tamang pangangalaga sa mga taong masasaktan ng malakas na pagyanig.

Ang Veterans Hospital ay magiging isa ding staging area at magsisilbing suporta sa North Quadrant.

Layon ng earthquake drill na mabigyan ng sapat na kaalaman ang publiko ng mga dapat gawin sa panahon na may tatamang malakas na lindol sa bansa partikular na sa Metro Manila.

Facebook Comments