Albay – Inilunsad ng Task Force Sagip ng Philippine Army ang ‘Operation Magpasaya’ sa Albay.
Layunin nito na mabigyan ng kasiyahan ang libu-libong evacuees na kinabibilangan ng maraming kabataan sa pamamagitan ng tinatawag na psycho social support.
Kabilang sa mga operasyon ang medical checkup, feeding program, libreng gupit at masahe para sa mga bakwit.
Tinatayang umaabot sa mahigit 1,000 tao ang natulungan ng militar sa nasabing aktibidad.
Facebook Comments