Manila, Philippines – Ipinatawag kahapon ni Executive Secretary Salvador Medialdea si US Ambassador to the Philippines Sung Kim para pag-usapan ang issue ng lumabas umanong US Intelligence Community Worldwide threat assessment report.
Matatandaan na nakasaad umano sa report ay banta si Pangulong Rodrigo Duterte na demokrasya at sa karapatang pantao sa buong South East Asia.
Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, matapos ang pulong ay inatasan ni Medialdea ang Department of Foreign Affairs na makipagugnayan sa embahada ng Pilipinas sa Washington DC para makipagugnayan din sa mga ahensiya ng pamahalaan ng Estados Unidos ng Amerika na kabilang sa pagsulat ng nasabing assessment.
Inatasan din naman ni Medialdea ang mga Embassy officials sa Estados Unidos ng Amerika na magbigay ng tamang impormasyon sa mga nangyayari sa Pilipinas.
Dapat aniyang malaman ng US ang mga aksyong ginagawa ni Pangulong Rodrigo Duterte at ng kanyang administrasyon para isulong ang Socioeconomic Development sa Pilipinas at magbigay ng tahimik at ligtas na bansa para sa mga Pilipino habang iginagalang ang rule of law.
MAGBIGAY NG TAMANG IMPORMASYON | Malacañang inutusan ang embahada ng Pilipinas sa US na kausapin ang US officials para ipaalam ang tunay na nangyayari sa bansa
Facebook Comments