Manila, Philippines – Binibigyan ni Atty. Larry Gadon si Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno ng hanggang sa Lunes, December 4 para magbitiw sa pwesto.
Ayon kay Gadon, kung hindi magbibitiw si Sereno ay sasampahan niya ito ng panibagong kaso dahil sa pag-hire nito ng it consultants na napatunayan na umanong iligal.
Aniya, ihahain niya sa Korte Suprema sa Martes ang graft and corruption case laban kay Sereno at sa ilan nitong tauhan at inihahanda na ito ng kanyang legal team.
Una nang inihayag ni Gadon sa impeachment hearing na sampung milyong piso ang halaga ng IT contract na pinasok ni Sereno na napatunayan na sa imbestigasyon ng Korte Suprema na iligal pero ang masama ay nabayaran na ito.
Facebook Comments