MAGBITIW O SUMUKO | DILG, pinapipili ang mga ninja cops

Manila, Philippines – Hinikayat ni Interior and Local Government Secretary Eduardo Año ang mga tinaguriang ninja cops na umalis na sa loob ng Philippine National Police (PNP).

Ayon kay Año, mas makakabuting umalis na sa serbisyo ang mga ito bago pa maging huli ang lahat.

Aniya, habang may panahon pa ay mabuting talikuran na ng mga ito ang kanilang maling gawain.


Pinayuhan rin ng kalihim ang mga ninja cops na umamin at kusa nang sumuko.

Tiniyak naman ni Año na daan sa due process at irerespeto ang kanilang karapatan at bibigyan ng pagkakataon na patunayang sila ay inosente.

Facebook Comments