Makaraan ang 25 taon, muling bubuksan ng Department of Foreign Affairs ang Philippine Consulate General sa Houston
Ayon kay Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano, layon nitong paglingkuran ang dumadaming pangangailang ng Filipino Community sa South Central United States.
Kabilang sa maseserbisyuhan ng konsulada ang 179,000 Filipinos sa Arkansas, Louisiana, Mississippi, New Mexico, Oklahoma at Texas.
Sa muli nitong pagbubukas, magkakaroon ng civil registry services tulad ng Reports of Birth, Marriage and Death, notarial services, affidavits certification, pag issue ng travel documents at fingerprinting para sa NBI clearances gayundin ang Passport processing, visas, authentication services at dual citizenship services.
Matapos isara ang Consulate General nuong September 1993 muli itong bubuksan sa September 24, 2018.