MAGBUBUKAS NA | Listahan ng establishment na magbubukas kasabay ng reopening ng Boracay, inilabas ng DOT

Aklan – Inilabas ng Dept. of Tourism (DOT) ang inisyal na listahan ng mga establisyimento na certified compliant sa mga requirements na inilatag ng boracay inter-agency task force.

Ayon kay Tourism Sec. Bernadette Romulo-Puyat – maari nang magbukas ng operasyon at tumanggap ng mga bisita ang nasa 25 accomodation establishments nay kabuoang higit 2,000 kwarto sa susunod na buwan.

Kabilang sa mga establisyimento ay:
· Luana hotel/Hue hotel
· Astoria Current
· Boracay Mandarin Island Hotel
· Boracay Haven Resort
· Boracay Haven Suites
· Casa Pilar Beach Resort
· Boracay Holidays Beach Resort
· El Centro Beach Resort
· De Paris Beach Resort
· Best Western Boracay Tropics
· Surfside Boracay Resort And Spa
· Fairways And Bluewater Beach Resort
· Discovery Shores
· The Lazy Dog
· Red Coconut Beach Hotel
· Starfire Resort
· Canyon De Boracay
· Av Seven Resort
· Azalea Apartment Hotel
· Reef Retreat Resort
· Nigi-Nigi Nu Noos’e Nunu Noos Beach
· The Club Ten Beach Resort Boracay
· Ferra Hotel
· Den Pasar Beach Resort
· Blue Coral Beach Resort


Dagdag pa ni Puyat – ang rehabilitasyon ng Boracay ay magpapatuloy kahit ilulunsad ang soft opening nito sa Oct. 26.

Aniya ang first phase ng rehabilitation ay matatapos sa Oktubre habang ang second phase ay sa kalagitnaan ng susunod na taon, at ang third phase ay makukumpleto sa katapusan ng 2019.

Magsasagawa naman ng dry-run o partial opening sa Oct. 16 hanggang 25.

Facebook Comments