Manila, Philippines – Magdadagdag ng flights ang mga airline companies sa iba’t-ibang tourist destinations sa bansa kasunod ng pagsasara ng Boracay Island sa loob ng anim na buwan.
Ayon kay Philippine Airlines Chief Customer Experience Officer Jessica Abaya, simula sa Abril 20 ay mayroong silang dagdag na biyahe sa Bacolod, Iloilo, Cebu at Puerto Princesa.
Susundan pa aniya ito ng dagdag na flights mula Cebu patungong Busuanga, Clark patungong Cebu at Manila patungong Dumaguete at Cagayan de Oro.
Sinabi naman ni Cebu Pacific Chief Information Officer Maria Rosario Lagamon, nasa dalawang hanggang limang porsyentong dagdag na mga eroplano ang kanilang ide-deploy sa iba pang mga destinasyon sa bansa.
Pansamantala namang babawasan ng AirAsia ang kanilang mga biyahe patungong Caticlan at Kalibo.