MAGDADAGDAG | Pangulong Duterte, mag-iisyu ng executive order na magsusulong ng Philippine Oral Health Program

Manila, Philippines – Mag-iisyu si Pangulong Rodrigo Duterte ng isang executive order na magsusulong ng Philippine Oral Health Program.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, inaprubahan ng gabinete ang nasabing programa at ang pag-iisyu ng EO hinggil dito.

Sa pamamagitan aniya nito magdadagdag ng mga dentista na itatalaga partikular sa mga rural areas.


Base sa aprubadong proposal ng Department of Health (DOH), kinakailangan ng apat na bilyong piso bawat taon para swelduhan ang nasa 1,600 dentista na magseserbisyo sa mga lalawigan.

Inirekomenda rin sa DOH ang pagpapatuloy ng dentist deployment program, pag-iikot ng mga mobile dental vans at pagpapalawak ng DOH oral health human resources for health plantilla.

Facebook Comments