Magdalo Party list Representative Gary Alejano, bumuwelta sa banat ni House Speaker Pantaleon Alvarez na isampa ang impeachment complaint laban kay Pangulong Duterte sa mental ospital

Manila, Philippines – Pumalag si Magdalo Partylist Representative Gary Alejano sa patutsada ni House Speaker Pantaleon Alvarez na ihain sa mental hospital ang impeachment complaint laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa interview ng RMN kay Alejano – hindi maituturing na propesyunal ang mga binitawang komento ni Alvarez.
Iginiit din ng kogresista na pinatutunayan lamang ni Alvarez na dapat itong isama sa complaint sa International Criminal Court (ICC) dahil isa ito sa mga nagtatakip para sa pangulo at sa mga insidente ng Extra Judicial Killings sa bansa.

Pero nilinaw ni Alejano na wala pang pinal na desisyon na i-aakyat nila ang reklamo sa ICC.


Kasabay nito, tanggap din ni Alejano ang mga pumupuna at bumabatikos sa kanya.

Naninindigan din ang magdalo na tama ang kanilang ginagawang hakbang at sumusunod lamang sila sa proseso.

* DZXL558*

Facebook Comments