Magdalo Partylist Rep. Gary Alejano, dudulog Sa International Criminal Court

Manila, Philippines – Pinag-aaralan na ni Magdalo Partylist Rep. Gary Alejano na dumulog na sa International Criminal Court matapos na ibasura at ideklarang insufficient in substance ang impeachment complaint laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Alejano – sasama na sila sa paghahain ng reklamo sa ICC lalo nat wala na silang matatakbuhan dahil maraming kaalyado ang pangulo.

Binigyan diin ni Alejano na hindi dumaan sa tamang proseso ang impeachment complaint na pinamumunuan ni House Committee on Justice Chairman Reynaldo Umali.


Pero sa kabila nito, sinabi ng mambabatas na hindi siya natatakot na sampahan ng anumang reklamo at handa siyang itaya ang kanyang posisyon sa kongreso kaugnay ng impeachment sa pangulo.

Iginagalang naman ni Rep. Umali ang panananaw ni Alejano kasabay ng paggigiit na sinunod nila ang tamang proseso.

Habang binigyang-diin ng Malacañang na walang kinalaman si Pangulong Duterte sa pagkakabasura ng impeachment complaint sa House Justice Committee.

Facebook Comments