Magdalo Rep. Alejano, tinawag na double standard ang house rules sa impeachment case

Manila, Philippines – Double standard, ito ang isinisigaw ng kongresistang nagsulong noon ng impeachment case laban kay President Rodrigo Duterte.

Tinawag ng grupong magdalo sa Kamara na isang double standard ang pagkakalusot sa sufficiency in form and substance ng impeachment complaint ni Att. Larry Gadon laban kay CJ Ma. Lourdes Sereno.

Ayon Kay Magdalo Representative Gary Alejano, noong tinatalakay ang sufficiency in form and substance ng kaniyang reklamo laban kay Duterte ay hindi man lamang siya nabigyan ng pagkakataon na maipaliwanag ang kaniyang kaso.


Gayong sa Gadon complaint ay pinagsalita ng matagal ang isang isang endorser ni Gadon at pinanumpa lamang ang complainant.

Kahit na gumamit din si Atty. Gadon ng mga newspaper clippings bilang basehan ng kaniyang complaint at wala namang personal knowledge, binigyang katwiran ito ng mga miyembro ng komite habang ang sa kaniya noon ay diretsahang tinawag na hearsay.

Kinuwestyon din ni Alejano na ang mga detalye o laman ng complaint ay tinalakay agad sa Gadon complaint samantalang sa kaniyang complaint noon ay hindi ito nangyari.

Ipinapakita aniya nito na ang House rules sa impeachment ay hindi nakasalig sa facts and merits ng impeachment kundi sa pampulitikang pagkiling.

Facebook Comments