MAGELCO naglaan ng pabuya sa makakapagturo ng Mastermind sa pamamaril sa kanilang 2 empleyado

Mariing kinokondena ng pamunuan ng Maguindanao Electric Cooperative o MAGELCO ang kaso ng pamamaril na ang naging mga biktima ay kanilang mga kawani.

Kaugnay nito naglaan ng 200,000 Pesos ang MAGELCO para sa makakapagturo at makakatukoy sa kinarororonan ng Mastermind ng Shooting Incident.

Matatandaang gabi ng August 5 ng pagbabarilin ang Auditor at District Manager ng Magelco habang nasa compound ng Ummah Subdivision sa Upper Capiton.


Kapwa nasa ligtas na ring sitwasyon ang mga naging biktima habang patuloy pa rin sa kanilang ginagawang pursuit operation kontra sa responsable ang Datu Odin Sinsuat Municipal Police Station.

Facebook Comments