MAGHAHAIN | Kongresista, isusulong na ibasura na ang TRAIN Law

Manila, Philippines – Maghahain ng panukala si Bayan Muna Representative Carlos Isagani Zarate para ipabasura ang Tax Reform for Acceleration and Inclusion Law o TRAIN Law.

Sinabi ng kongresista, hindi na dapat hintayin na magdulot ng mas malawak na negatibong epekto sa bansa ang TRAIN Law bago kumilos ang Kongreso.

Katwiran ni Zarate, ilang buwan pa lamang naipapatupad ang TRAIN pero matindi na ang epekto nito lalo na sa hanay ng uring manggagawa.


Aniya, buwan-buwan na lamang ay tumataas ang inflation rate sa bansa dulot ng TRAIN dahil sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo.

Nagkatotoo aniya ang noon pa nila ibinabala na balewala ang tax exemption sa kitang 250,000 Pesos kada taon dahil sa bigat ng epekto ng TRAIN.

Facebook Comments