Naniniwala si Senator Panfilo Ping Lacson na alam ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi nito pwedeng totohanin ang kanyang banta na ipakulong ang sinumang maghahain ng impeachment case laban sa kanya.
Ayon kay Lacson, ang nabanggit na banta ay maari pang magbigay ng problema kay Pangulong Duterte.
Sabi ni Lacson ito ay sa oras na ma-challenge sa halip na matakot ang 1/3 ng mga miyembro ng kamara at isulong ang sakaling impeachment complaint laban sa pangulo.
Dagdag pa ni Lacson, mas magiging malaking problema ng pangulo kung makumbinsi ang 16 na senador sa mga ebidensyang ipiprisinta para sa reklamong impeachment.
Pero siempre, ayon kay Lacson ang lahat naman ay haka haka lamang sa ngayon.
Giit naman ni Senator Kiko Pangilinan, ang pagpapa-impeach sa pangulo ay hindi isang krimen.