Bukas ang gobyerno ng Switzerland na doon gawin ang pag-uusap ng North Korea at US.
Sa pahayag ng Swiss Foreign Ministry, makikipag-ugnayan sila sa dalawang bansa baka sakaling nais nilang ganapin ang pag-uusap sa kanilang teritoryo.
Plano din nilang tulungan ang North Korea at US para sa paraan ng pag-uusap maging sa pagpa-plano.
Matatandaan na positibong tinanggap ng mga ekonomiya at merkado sa Asya ang lumutang na isyu kaugnay sa nilulutong pag-uusap nina US President Donald Trump at North Korean Leader Kim Jong-Un sa buwan ng Mayo.
Facebook Comments