Manila, Philippines – Nakatakdang magharap ngayong araw sa Land Transportation Office (LTO) ang matandang taxi driver na si Virgilio Doctor at ang babaeng nanampal sa kaniya na si Sharmaine Interior matapos magkasuhan sa korte.
Bago ito, sasailalim ang dalawa sa physical examination para matiyak kung physically fit para magmaneho.
Malaki naman ang kumpiyansa ni Atty. Ariel Inton ng Lawyers for Commuters Safety and Protection na papasa ang kanyang kliyente si doctor sa physical examination upang manatiling holder ng professional driver’s license dahil wala itong rekord ng paglabag sa batas trapiko mula nang mag-renew noong 2015.
Matatandaan na nag-viral sa social media ang dalawa nang magkaroon ng hindi pagkaka-unawaan ang mga ito sa may congressional avenue sa Quezon City.