MAGHAHARAP | VP Robredo, kumasa sa hamon ni dating Senator Bongbong Marcos na pumirma ng joint motion ngayong araw

Manila, Philippines – Kumasa na ang kampo ni Vice President Leni Robredo sa hamon ni dating Senator Bongbong Marcos na magpirmahan ng joint motion ngayong araw.

Ito ay para i-atras ang anumang mosyon sa Presidential Electoral Tribunal na nakakaantala sa recount ng mga balota sa pilot provinces ng Camarines Sur, Iloilo at Negros Oriental.

Ayon kay Atty. Romulo Macalintal, legal counsel ni Robredo – gusto nilang makaharap ang kampo ni Marcos mamayang alas-9:00 ng umaga.


Ang pagpayag aniya ni Robredo ay para patunayan na hindi siya ang dahilan ng pagka-delay ng recount.

Muling iginiit ni Macalintal na walang basehan ang mga akusasyon ni Marcos tungkol sa umano’y delay.

Bago ito, nauna nang lumagda si Marcos sa joint motion.

Facebook Comments