MAGHANDA | DENR, inalerto ang mga tanggapan nito sa buong bansa laban sa banta ng forest fires ngayong panahon ng tag-init

Manila, Philippines – Nagpalabas na ang Department of Environment and
Natural Resources ng fire safety advisory sa mga natural parks and forest
areas sa buong bansa.

Ayon kay DENR Secretary Roy Cimatu, mas mabuti na ang maagang paghahanda
para maiwasan ang anumang banta ng forest fires lalo pat tumitindi na ang
init ng panahon.

Inatasan na ni Cimatu ang lahat ng regional offices ng DENR at Forest
Management Bureau na tiyaking nasa maayos na kondisyon ang mga
fire-fighting assets nito at handa sa mga hindi inaasahang forest fire
outbreak.


Umapela din ito sa komunidad na suportahan ang programa.

Gagamitin din ng DENR ang digital technology upang labanan ang forest fire
sa pamamagitan ng LAWIN Forest and Biodiversity Protection System, o LAWIN
system.

Sa ilalim ng sistema,a ng fire-prone forest areas ay naimamapa at
naidodokumento alinsunod sa kanilang lokasyon, mga kinakailangang resources
at komunidad na maaaring makakatulong.

Facebook Comments