MAGHANDA | Isa pang bagyo, papasok sa bansa bago mag-Pasko

Manila, Philippines – Maliban sa inaasahang pag-landfall ng bagyong Urduja sa weekend, may isa pang bagyo ang namo-monitor ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na papasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR).

Ito ang kinumpirma ni Dr. Ezperanza Cayanan, ang chief weather division ng PAGASA.

Aniya ang panibagong bagyo ay tatawaging Vinta.


Inaasahang itong papasok sa PAR bago magpasko o sa December 22.

Pero simula December 18 hanggang December 20, bahagyang gaganda ang panahon dahil sa December 17 inaasahang makakalabas na ng PAR ang bagyong Urduja.

Dahil dito ngayon pa lamang mahigpit na ang paalala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa mga residenteng nakatira sa Northern Mindanao at Visayas na tumbok ng bagyong Urduja.

Ito ay upang walang maitalang casualties sa epekto ng bagyo.

Facebook Comments