Manila, Philippines – Sinimulan na ng Manila Police District ang checkpoint o “Oplan Sita” sa mga strategic na lugar sa Maynila.
Sa harap ito ng pagdagsa ng mga taong namimili ngayong Christmas season.
Target ng operasyon ang mga hindi registradong motorsiklo na karaniwang ginagamit sa mga krimen.
Ayon kay MPD Spokesman Supt. Erwin Margarejo, kukumpiskahin o hahatakin ng mga pulis ang mga motor sakaling mabigo ang mga motorcycle-rider na makapagpakita ng rehistro ng sasakyan.
Facebook Comments