MAGHIHIGPIT | Counter intelligence units ng PNP, mas palalakasin kontra mga pasaway na pulis

Manila, Philippines – Mas pagaganahin ni PNP Chief Police Director General Oscar Albayalde ang kanilang counter intelligence unit sa kanyang pamumuno.

Ito aniya ang kanyang pangontra sa mga pasaway na pulis.

Aminado si Albayalde na may mangilan-ngilan pa rin silang mga kasamahan ang patuloy pa rin naliligaw ng landas.


Iniutos nya na ang pagdadagdag ng tao sa PNP Intelligence Group at PNP Counter Intelligence Task Force (CITF).

Magiging trabaho ng mga taong ito ay alamin at kilalanin ang mga pulis na patuloy na nasasangkot sa katiwalian o iligal na gawain.

Hindi lamang aniya ang mga gawaing iligal ng mga pulis maging ang mga minor offenses katulad ng paghe-helmet ay hindi palalampasin.
Una nang sinabi ni Albayalde sa kanyang assumption speech na mas paiigtingin nya ang internal cleansing maliban sa anti-illegal drug campaign ng PNP.

Facebook Comments