MAGHIHIGPIT | DSWD, mas mahigpit na sa pagbusisi sa requirements ng mga humihiling ng educational assistance

Manila, Philippines – Mas naghigpit na ngayon ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa proseso ng pagbusisi sa may apat na libong application na humihiling ng educational assistance na nakabinbin sa ahensya.

Ayon kay DSWD Undersecretary Mae Fe Templa, ang head ng Protective Operations and Programs Group, kasunod ito ng pagkabunyag na nagsingit ang isang aplikante ng fake documents na isinumite nito sa ahensya.

Tinatapos na lamang nila ang 4,000 application at pagkatapos nito wala na silang tatanggaping aplikasyon hanggat wala pang mailabas na karagdagang pondo ukol dito.


Nilinaw din ni Templa na natapos na ang proseso ng educational assistance para sa mga elementary students noong isang linggo at ang pinoproseso na ngayon ay para sa mga high school students.

Samanatalang ang mga nasa universities at colleges ay aayusin pa sa lalong madaling panahon.

Mula Hunyo 25 hanggang 29, 2018, may P8,838,500 na ang naipamahagi ng DSWD sa 6,128 indibidwal na humihiling ng tulong pang edukasyon.

Una nang inanunsyo ng DSWD ang pansamantalang suspensyon sa pamimigay ng education allowance dahil sa papaubos nang pondo para dito.

Facebook Comments