MAGHIHIGPIT | Incoming PNP Chief, NCRPO Director Oscar Albayalde, pinaghahanda na ang buong kapulisan sa mga supresang inspeksyon

Manila, Philippines – Pinaghahanda na ni incoming PNP Chief, National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Oscar Albayalde ang lahat ng kapulisan sa buong bansa sa mga supresang inspeksyon.

Ito ay kasunod ng hangarin ni Albayalde na ipatupad ang mahigpit na disiplina sa buong hanay ng pulisya.

Ayon kay Albayalde, ibibigay niya ang responsibilidad sa mga commander sa ground.


Magugunitang naging laman ng mga nagdaang balita si Albayalde sa pagsasagawa ng mga surprise inspection sa mga police precincts sa Metro Manila na nagresulta ng pagkakasibak ng ilang police officers na nahuling natutulok, umiinom at hindi suot ang proper uniform habang on-duty.

Facebook Comments