Manila, Philippines – Mga hotel sa buong bansa pipilitin na ng DOT na magkaroon ng sariling water treatment facility.
Oobligahin na ng Department of Tourism (DOT) ang mga hotel at resort sa buong bansa na magkaroon ng sariling waterwaste treatment facility.
Ayon kay DOT Assistant Secretary Ricky Alegre, na ire-reject ang aplikasyon ng mga may-ari ng establisyimento na mabibigong isama sa kanilang plano ang paglalagay ng treatment facility.
Paliwanag ni Alegre, layunin ng hakbang na ito na masiguro na ang tourism facilities sa bansa ay nakakasunod sa itinatakda ng building at environmental regulations.
Ipinahayag ni Assistant Secretary Alegre na sa pamamagitan ng sariling wastewater treatment facilities ay maagang maiiwasan ang katulad na problemang kinakaharap ng Boracay.