Maghihigpit na ang Land Transportation Office (LTO) sa paghuli sa mga motoristang gumagamit ng number ‘8’ car plates.
Ayon kay LTO Law Enforcement Service Director Francis Almora – uumpisahan na nila ang panghuhuli sa mga motorista na gumagamit ng number ‘8’ plate kasunod ng utos ni House Speaker Gloria Macapagal Arroyo na isauli ang mga protocol plates na inisyu noong 16th Congress.
Dagdag pa ni Almora – wala pa silang inisyung car plate ‘8’ ngayong 17th Congress.
Bagamat isinauli na ng ilang mambabatas ang kanilang plaka, ang ilan ay hindi nagbalik.
Sabi naman ni PNP Chief Oscar Albayalde – ipinag-utos na Highway Patrol Group (PNP-HPG) ang crackdown laban sa mga sasakyang may plakang ‘8’ at iba pang commemorative plates.
Kukumpiskahin ng PNP-HPG ang mga plaka at pagmumultahin ng ₱5,000 ang mahuhuli.
Kasabay nito, ipinauubaya na ng LTO sa Kamara ang magiging aksyon nito sa mga kongresistang mapapatunayang inaabuso ang paggamit ng protocol plates.