MAGHIHIGPIT | NFA, 24 oras imo-monitor ang supply ng bigas sa Albay

Manila, Philippines – Mananatiling bukas ang operations center ng NFA 24 oras para i-monitor ang supply ng bigas sa Albay.

Ayon kay NFA administrator Jayson Aquino, sa ganitong paraan mas mabilis na makatugon ang ahensiya sa mga tanong at umalalay sa mga LGUs at iba pang institusyon para makakuha ng supply ng bigas para sa mga evacuees.

Aniya ang NFA ay mayroong standing Memorandum of Agreement sa mga relief agencies tulad ng DSWD, Office of Civil Defense at LGUs para makakuha ng supply ng bigas na gagamitin sa relief operations sa panahon ng kalamidad.


Sa ngayon, mahigit sa 13,400 sako ng bigas ang naipamahagi na ng ahensiya sa iba’t-ibang Local Government Units (LGUs), relief agencies, at iba pang institusyon para sa mga biktima ng pagputok ng bulkan ng Mayon.

Facebook Comments