MAGHIHIGPIT | Outgoing PNP Chief at incoming Bureau of Corrections Director Ronald Dela Rosa, tiniyak na gagawing miserable ang buhay ng mga inmante sa loob ng New Bilibid Prison na sangkot sa illegal na drug trade

Manila, Philippines – Nagbabala ng giyera si PNP Chief Ronald Dela Rosa sa mga inmates ng New Bilibid Prisons (NBP) na patuloy na gumagawa ng illegal drug activities.

Matatandaang si Dela Rosa ang susunod na magiging director ng Bureau of Corrections (BUCOR).

Ayon kay Dela Rosa, pagkatapos niya sa PNP ay magpapahinga muna siya ng ilang linggo bago sumabak sa kanyang bagong trabaho.


Susubukan aniya niyang matigil ang kalakalan ng droga sa loob ng Bilibid.

Nangako rin si Dela Rosa na gagawin niyang miserable ang buhay ng mga inmate na nasasangkot sa notoryus na drug trade.

Ang iiwanang pwesto ni Dela Rosa sa PNP ay sasaluhin ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Oscar Albayalde sa gaganaping change of command ceremony sa April 18.

Facebook Comments