MAGHIHIGPIT | Pagpapaputok sa labas ng mga residential area, bawal sa Mandaluyong

Tanging sa itinalagang open spaces lang maaaring magpaputok sa Mandaluyong.

Ayon kay Jimmy Isidro, Public Information Officer ng Lungsod may designated firecracker zone sa bawat barangay at dito lamang pwede magpaputok.

Mga pailaw lang din ang pwedeng gamitin.


Upang masigurong susunod ang mga residente may peace and order council group na binuo ang LGU.

Kinabibilangan ito ng mga kinatawan mula sa pulis, BFP at barangay.

Iikot sila bawat trenta minutos sa mga lugar sa Mandaluyong upang manita at manghuli ng mga maaaktuhang lumalabag sa Executive Order no. 28 na nag-re-regulate sa paggamit ng firecrackers na in-adopt din ng lungsod sa pamamagitan ng ordinansa.

Ayon kay Isidro, kaunti lang din ang accredited na nagtitinda ng paputok sa Mandaluyong at kailangan muna nilang makakuha ng permit sa pulis bago payagan ng LGU.

Facebook Comments