MAGHIHIGPIT | Pamimigay ng sample ballot sa araw ng halalan, ipagbabawal

Manila, Philippines – Mahigpit na pagbabawalan ng Commission on Elections (COMELEC) ang mga kandidato sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections na mamigay ng sample ballots sa mismong araw ng halalan.

Kaugnay nito ang pagtatapos ng campaign period bukas, May 12.

Ayon kay COMELEC Commissioner Luie Guia, ang pamimigay ng sample ballots sa araw ng eleksyon ay paglabag sa batas at isang uri ng pangangampanya.


Pinayuhan nito ang mga botante na huwag tumanggap ng mga sample ballot, at sa halip ay maghanda ng sariling kodigo o listahan ng mga iboboto.

Facebook Comments