MAGHIHIGPIT | Pangulong Duterte, iniutos ang pagpapaigting ng kampanya kontra sa mga pekeng pera

Manila, Philippines – Iniutos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na paigtingin ang crackdown sa mga pekeng pera.

Sa paglulunsad sa mga bagong disenyong banknotes at barya, iginiit ng Pangulo na dapat ay ipagpatuloy ng BSP ang pagbabantay sa integridad ng Philippine currency at pagprotekta sa publiko mula sa kalituhan at panlilinlang.

Aniya, kinailangan na mapalitan ang disenyo ng mga banknotes at barya dahil ito ay alinsunod sa batas na layong isulong ang public trust at confidence sa financial system.


Facebook Comments