Manila, Philippines – Maghihigpit na ang Korte Suprema sa mga korte sa pagpapahintulot sa postponement ng mga paglilitis sa mga kaso.
Kasunod ito ng pagpapatupad ng Supreme Court (SC) ng Revised Guidelines on Continuous Trial in Criminal Cases.
Ikinukunsidera kasi ng Kataas-Taasang Hukuman na major cause ng delay ang postponements ng hearings sa mga kaso.
Ayon kay Associate Justice Diosdado Peralta, base sa guidelines, kapag ang motions for postponements ay pinagbigyan base sa exceptional grounds at matapos makapagbayad ang partido ng postponement fee, hindi na pahihintulutan ang panibagong trial dates.
Dapat din aniyang tapusin base sa mga napagkasunduang petsa ang pagpi-present ng mga ebidensya.
Sa mga susunod na buwan ay inaasahang maraming kasong kriminal ang mareresolba sa mga hukuman matapos ang pagpapatupad ng simplified criminal procedure.