MAGHIHIGPIT | Vatican, hindi na umano tatanggap ng mga hinihinalang bakla na gustong maging pari

Rome, Italy – Pinasasala ng mabuti ni Pope Francis sa mga Italian bishops ang aplikasyon ng mga gustong magpari.

Giit ng Santo Papa, hindi umano dapat tanggapin ang mga hinihinalang bakla na maging pari.

Ayon sa ulat ng La Stampa, sinabi umano ni Pope Francis ang bilin sa mga obispo makaraan ang mass resignation ng Chilean bishops dahil sa isyu ng sexual abuse sa ilang mga batang lalaki sa Chile.


Hindi naman naglabas ng pahayag ang Vatican ukol sa nasabing ulat.

Noong 2005, isang kontrobersiyal na dokumento ang inilabas ni Pope Benedict na nagsasabing pwedeng tanggapin sa simbahan bilang mga pari ang ilang dating homosexual sa kundisyon na sila ay nagbago na sa nakalipas na tatlong taon.

Pero mananatili umanong bawal na maging alagad ng simbahan ang mga nananatiling bakla at aalisan rin ng karapatan na maging bahagi ng simbahan ang mga pari na sangkot sa homosexuality.

Facebook Comments