MAGHINAY-HINAY | VP Leni Robredo, pinaaalahanan si Pangulong Duterte at iba pang government officials

Manila, Philippines – Malumanay na pinaaalahanan ni Vice President Leni Robredo si Pangulong Rodrigo Duterte na maghinay-hinay sa kanyang mga public pronouncement.

Ayon kay Robredo, karapatan ni Duterte at ng mga government officials tulad nila na ihayag ang kanyang personal na opinyon tungkol sa relihiyon pero responsibilidad din nila na hindi makasakit at makainsulto ng iba.

Matatandaang umani ng iba’t-ibang reaksyon matapos tawagin ng Pangulo na ‘estupido’ ang Diyos at hindi sinang-ayunan ang konsepto ng original sin.


Facebook Comments