MAGIGING ABALA | Biyahe ni Pangulong Duterte sa Indonesia, magiging matrabaho – DFA

Manila, Philippines – Inihayag ngayon ng Department of Foreign Affairs na magiging abala si Pangulong Duterte sa kanyang maikling panahon na pagpunta sa Indonesia para dumalo sa ASEAN Leaders meeting.

Sa briefing sa Malacañang ay sinabi ni Foreign Affairs Assistant Secretary for ASEAN Affairs Junever Mahilum-West ay tatlong bilateral meetings ang inaasahang dadaluhan ni Pangulong Duterte sa kanyang pagpunta sa Indonesia.

Sinabi nito na kabilang sa mga nakapilang pulong ng Pangulo ay ang pulong nito kasama si Indonesian President Joko Widodo pero tumanggi naman itong kumpirmahin kung sino pa ang dalawang leader na makakapulong ng Pangulo.


Wala din naman binanggit si West kung ano ang mga issue na tatalakayin sa pulong ng Pangulo at ng tatlong leader.

Nabatid na gaganapin ang ASEAN leaders gathering sa Bali Indonesia sa October 11.

Facebook Comments