
Pinakikilos na agad ni Senator Alan Peter Cayetano ang Office of the Ombudsman na magsagawa na ng lifestyle check sa lahat ng opisyal ng gobyerno.
Sinabi ni Cayetano para sa bagong uupong Ombudsman na ikonsidera na ang agad na pagsasagawa ng lifestyle check bilang panimulang panlaban sa korapsyon.
Inihayag ni Cayetano na ang panganib na kung walang lifestyle check ay hindi matitinag at matitigil ang mga politiko o mga kaanak na ipagyabang sa social media ang kanilang mga yaman.
Binigyang-diin ng mambabatas ang kahalagahan sa mga taga gobyerno na mamuhay ng simple at umiwas sa marangyang buhay bilang mga lingkod bayan.
Ipinunto pa ng senador na mahalagang ang mapipiling bagong Ombudsman ay proactive at balanse lalo ngayon sa gitna ng isyu ng maanomalyang flood control projects kung saan nakakaladkad ang pangalan ng ilang mga opisyal ng pamahalaan.









