Manila, Philippines – Tiniyak ni Philippine National Police (PNP) Director General Ronald “Bato” Dela Rosa na magiging komportable ang buhay ng mga preso sa New Bilibid Prison sa sandaling siya ay maging direktor na ng Bureau of Corrections (BuCor).
Sa kaniyang pagbisita sa bilibid sa 112th foundation day celebration ng BuCor kasabay ng Christmas party sinabi ni dela Rosa na walang magiging problema sa kaniya ang mga matitinong preso pero binalaan naman niya ang iba na sangkot sa illegall na droga.
Naniniwala naman si dela Rosa na hindi na kasing grabe ng dati ang problema ng iligal na droga sa bilibid kung saan excited na din daw siya na maupo bilang director.
Nakatakdang magretiro si dela Rosa sa Enero, pero hiniling pa ni Pangulong Duterte na mag-extend siya sa pwesto ng tatlong buwan.