
Nilinaw ng Malacañang na hindi kabilang sa tatlong pangunahing miyembro Independent Commission for Infrastructure si Baguio City Mayor Benjie Magalong.
Kasunod ito ng naunang pahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na walang pulitiko ang magiging bahagi ng komisyon.
Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, ang papel lamang ni Mayor Magalong sa komisyon ay maging tagapayo o special adviser.
Binigyang-diin ng Palasyo na mahalaga ang karanasan at kaalaman ni Magalong upang makatulong sa masusing pagsisiyasat ng ICI.
Umaasa rin ang Palasyo na ipapakita ng alkalde sa taumbayan na ang kanyang partisipasyon ay nakatuon sa interes ng publiko, sa kabila ng mga pagdududa at kritisismong ibinato laban sa kanyang pagkakasama.
Facebook Comments









