Magiging papel ni Uson sa information campaign ukol sa federalism, malalaman ngayong araw

Manila, Philippines – Ngayong araw pa lang malalaman ni Presidential Communications Assistant Secretary Mocha Uson ang kaniyang magiging papel sa kampaniya ng Duterte Administration sa pederalismo.

Ayon kay Uson, magkakaroon sila ng brainstorming ng consultative committee.

Aniya, mahalagang makumbinsi niya ang publiko sa pamamagitan ng social media sa magandang maidudulot ng pederalismo.


Sabi pa ni Uson, handa siyang maglaan ng panahon para ikampaniya ang pederalismo.

Bahagi kasi aniya ng kaniyang trabaho bilang Assistant Secretary for Social Media na ipamahagi ang impormasyon sa mga proyekto, kampaniya at magagandang accomplishment ng Duterte Administration.

Facebook Comments