Magiging quarantine status sa bansa, pinag-aaralang mabuti ng gobyerno

Tiwala si Senator Christopher Bong Go na pinag-aaralang mabuti ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang lahat bago magrekomenda kay Pangulong Rodrigo Duterte ng magiging quarantine status ng isang lugar.

Bilang Chairman ng Committee on Health ay sinabi ni Go na mas pabor siya na unahin ang buhay ng bawat Pilipino sa mga magiging desisyon.

Kampante naman si Go na nakabase sa “science” ang pasya ng IATF kung saan binabalanse ang ekonomiya at kaligtasan ng taumbayan.


Pahayag ito ni Go sa harap ng mga panawagan na mas luwagan pa ang quarantine restrictions sa bansa habang ang OCTA Research Group naman ay nagsabing dapat ma-extend pa ng kahit dalawang linggo ang kasalukuyang quarantine status sa NCR plus at mga lugar na may mataas na kaso ng COVID-19.

Facebook Comments