Manila, Philippines – Nilinaw ni PNP Chief PDG Ronald Bato Dela Rosa ang kanyang panawagan sa mga lisensyadong gun owners na tumulong sa paglaban sa mga terorista, ay limitado sa pagtatanggol ng kanilang sariling tahanan.
Paliwanag ni Dela Rosa, ang mga gun-owners at mga licensed security guards ang pwedeng maging first responders sa terrorist invasion dahil andun na sila sa area.
Pinawi rin ni Dela Rosa ang mga pangamba sa hakbang na ito partikular ang pag-propromote ng pag-usbong ng mga vigilante groups.
Ito ay dahil ay limitado lang sa kanilang mga tahanan ang pag-gamit ng mga gun-owners ng armas laban sa mga terrorist attackers.
Giit ni Dela Rosa, karapatan ng sinuman na ipagtanggol ang kanyang tahanan sa mga masasamang loob katulad ng terorista
Matatandaang hinikayat ni delarosa ang mga gun-clubs noong biyernes na mag-organize bilang pangontra sa mga terrorista na magsasagawa ng pag-atake na tulad ng nangyari sa Marawi.