Magiging sahod ng mga empleyado ng Senado kung sakaling ilipat ang tanggapan ng Senado sa Antipolo, ipinaubaya sa DOLE

Manila, Philippines – Ipinaubaya na ni Antipolo City Mayor Jun Ynares sa Department of Labor and Employment ang desisyon sa sahod ng mga empleyado ng Senado sakaling ilipat sa Antipolo ang tanggapan ng Senado.

Ayon kay Ynares, sakaling ilipat ang opisina ng Senado sa Antipolo ang sahod ng mga empleyado ng Senado ay Provincial rate kaya ipinaubaya na ng alkalde sa DOLE ang desisyon kung mananatiling minimum ang sahod ng mga empleyado ng Senado.

Plano kasing ilipat ang tanggapan ng Senado sa Antipolo dahil maraming kadahilanan, una makakatipid ng apat na bilyong piso ang gobyerno, pangalawa matutulungan ang Lungsod ng Antipolo lalo na ang walang mga trabaho at sakaling magkaroon ng kilos protesta hindi maapektuhan ang negosyo hindi tulad sa Global City ay maaapektuhan ang mga negosyante.


Giit ni Ynares, preparasyon din ito sa plano ng gobyerno na maging Federalismo ang Form ng gobyerno at malaking tulong maitutulong din ito sa Sambayanang Filipino dahil makakaiwas ito sa matinding bigat ng trapiko sa Metro Manila.

Facebook Comments