Magiging tulong para sa mga retailer na apektado ng ipinatutupad na price cap, tinatalakay na ng gobyerno

Pinag-uusapan na ng Department of the Interior and Local Government (DILG), katuwang ang Department of Agriculture (DA), at Department of Trade and Industry (DTI) kung papano matutulungan ang mga retailer na apektado ng utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na magpatupad ng price cap sa bigas.

Sa Laging Handa public briefing, aminado si DTI Secretary Alfredo Pascual na tiyak na may mga retailer na tinamaan ng kautusang ito ng pangulo.

May mga negosyante o retailer kasi na nakabili na ng bigas sa mataas na presyo at mahirap itong ibaba sa palengke at ibenta lamang sa itinakdang price cap na 41 pesos kada kilo sa regular milled rice at 45 pesos kada kilo sa well milled rice.


Sa kasalukuyan wala pang nasabing paraan si Pascual kung papano matutugunan ang usaping ito ngunit tinatalakay na aniya ang isyung ito.

Batay sa inilabas na Executive Order 39 ni Pangulong Marcos, inaatasan nito ang mga kaukulang ahensiya ng goberno na pag-aralan kung papano matutulungan ang mga retailer na maapektuhan ng price cap policy.

Facebook Comments