Manila, Philippines – Sumailalim sa urban operation training ang mahigit isang daang sundalo mula sa Philippine Army.
Ayon kay Major General Rhoderick Parayno ang commander ng 2nd Infantry Batallion ng Philippine Army animnapung miyembro ng australian defense force ang nagsanay sa mahigit isang daang sundalong miyembro ng 1st infantry batallion ng Philippine Army.
Gamit ang mga makabagong taktika ng Australian defense force naituro nila ang urban operation sa mga sundalong Pinoy.
Paliwanag ni Parayno sa urban operation training tinuruan ang mga sundalong pinoy sa tamang pagresponde sa gyera na nagaganap mismo sa muunlad o matataong lugar.
Katulad aniya nang nangyari sa Marawi City na nilusob ng Maute ISIS terrorist group.
Aminado si Parayno na hindi lahat ng miyembro ng Philippine Army ay marunong sa urban operation dahil mas nasanay ang mga miyembro ng Philippine Army sa gyera sa bundok.
Kaya naman ang urban operation training ay napakahalaga sa bawat miyembro ng Philippine Army.
Nais ni Parayno na lahat ng miyembro ng Philippine Army ay maging bihasa dito kaya plano nilang gawing trainer ang mga sumailalim na nasa pagsasanay.