Maging ‘broadest coalition’ sa bansa, nais ng opposition coalition na 1Sambayan

Nilalayon ng opposition coalition na 1Sambayan na maging ‘broadest coalition’ sa bansa.

Ayon kay Retired Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio, mayroon nang 40 chapters ang 1Sambayan sa bansa at 20 chapters sa abroad.

Nakikipag-usap naman ang coalition sa iba pang political na partido upang bumuo pa ng malawak na samahan.


Sang-ayon naman sa plano si Renee Co, Youth convenor ng 1Sambayan.

Samantala, naniniwala naman si Carpio na mahirap gawing intact ang isang coalition dahil sa red-tagging.

Facebook Comments