Dagupan City – Ang buwan ng Marso ay kilalang Fire Prevention Month sa bisa narin ng Presidential Proclamation No. 115 na nilagdaan pa noong panahon ni dating Presidente Ferdinand E. Marcos.
Sa lungsod ng Dagupan ang Bureau of Fire Protection ay magsasagawa ng month long celebration and awareness upang mapigilan ang anumang pwedeng maging sanhi ng sunog sa kanilang nasasakupan. Katunayan ngayong araw ay nagkaroon ng motorcade ang BFP Dagupan kasama ang ilan pang private sector na boluntaryong taga apula ng sunog kung saan ay ibinandera nila ang mga fire trucks at tauhan nila.
Ayon kay Fire Chief Inspector o FCINSP Georgian Pascua sa ika-5 ng Marso magkakaroon ng orientation at poster making contest na may temang “Ligtas na Pilipinas ang ating Hanggad, Pag-iingat sa sunog, sa sarili ipatupad” ang BFP Dagupan kasama ang mga pampublikong paaralan sa lungsod upang ang mga kabataan ay magkaroon ng partisipasyon at mapalawak ang kaalaman kung mangayri man ang sunog. Bukod ditto ay mayroon pang mga ibang aktibidades ang ahensya tulad ng water display ceremony, inauguration ng mga bagong fire trucks, fire prevention orientation para sa mga departmental heads at ang year-round seminar para sa mga paaralan at establisyemento.
Nagpaaalala din ang BFP sa mga may-ari ng malalaking bahay at business establishments na unahin ang pagkakaroon ng ligtas ng lugar laban sa sunog. Siguruhing mayroon at gumagana ang mga fire extinguishers, fire exits, at check ang mga appliances at gasul na madalas nagiging sanhi ng sunog lalo ngayong tag-init.
Ayon pa kay Pascua kailangan ng proper housekeeping upang maiwasan ang sunog at kailangan maturuan ang mga anak na wag maglaro ng flammable materials. Dagdag pa nito na kailangan tandaan ang salitang “SAFE” sa oras ng sunog “S- Sound Alarm, A for Alert the Fire Station, F for Fight the Fire at E for Evacuate.
Nasa humigit kumulang namang grass fire incidents ang naitala sa buong lungsod na siya ring nangungunang klase ng sunog sa Dagupan. Paalala pa ng BFP Dagupan na wag isawalang bahala ang usapin tungkol sa sunog at wag mag-atubiling tawagan sila sa oras ng pangangailangan sa mga numerong 522-2772 at sa Panda Volunteer Fire Brigade Dagupan Pangasinan sa 522 2808.