Manila, Philippines – Pinaghahandaan na ng Dept. of Energy ang posibleng epekto ng abong ibinubuga ng bulkang Mayon sa suplay ng kuryente sa Albay.
Ayon kay Energy Sec. Alfonso Cusi, nais niyang maging handa ang mga pasilidad ng kuryente sakaling magkaroon ng aberya.
Sinabi naman ni Pedro Borja Jr., officer-in-charge ng National Grid Corporation of the Philippines South Luzon-District 3, malaki ang posibilidad ng malawakang brownout kapag nabalot ng abo ang mga linya ng kuryente.
Gayunman, tiniyak ng mga planta ng kuryente sa Albay na wala pang problema sa supply dahil ang mga planta sa Bicol ay ligtas sa Mayon.
Facebook Comments