MAGING MAINGAT | FDA, may babala sa publiko tungkol sa pagbili at paggamit ng mga hindi rehistradong gamot

Manila, Philippines – Pinapayuhan ng Food and Drug Administration (FDA) ang publiko laban sa pagbili at paggamit ng mga hindi rehistradong gamot na:

1. Family Care Original Strength Clotrimazole Antifungal Medicated Cream USP, 1% 28 g
2. Natureplex Maximum Strength Hydrocortisone Cream Fast Itch and Rash Relief 28g
3. New Choice Vagi-Cure Advanced Sensitive Medicated Cream 21g
4. BC Aspirin (NSAID) + Caffeine Fast Pain Relief Powder
5. Personal Care Ice Cold Analgesic Gel 227 g

Sinabi ni Nela Charade Puno, FDA Director General na napatunayan sa pamamagitan ng isinagawang Post-Marketing Surveillance (PMS) ng Food and Drug Administration (FDA) na ang mga nasabing gamot ay hindi dumaan sa proseso ng rehistrasyon ng ahensya at hindi nabigyan ng kaukulang awtorisasyon tulad ng Certificate of Product Registration (CPR).


Dahil ang mga hindi rehistradong produktong ito ay hindi dumaan sa proseso ng pagsusuri at pageeksamin ng FDA, hindi masisiguro ng ahensya ang kalidad at kaligtasan ng mga ito.

Ang nasabing ilegal na produkto ay maaaring magdulot ng panganib sa kalusugan kapag naibigay sa mga tao.

Ang publiko ay pinapaalalahanang huwag bumili ng nasabing ilegal na mga produkto at maging maingat laban sa mga gamot na maaaring hindi rehistrado sa FDA. Ugaliing tingnan kung ang gamot ay rehistrado sa FDA bago bilhin, sa pamamagitan ng paggamit ng Search feature ng FDA website sa www.fda.gov.ph. Maaari ring tingnan ang FDA Registration number sa label ng produkto.

Facebook Comments