MAGING MAINGAT | Mga paalala ngayong pasko, inilatag ng FDA

Manila, Philippines – Pinapaalalahanan ng Food and Drug Administration ang publiko na maging maingat at mapagmasid sa pamimili ng pagkain, laruan at produktong kosmetiko, laganap ang mga mapagsamantalang nagbebenta ng mga hindi ligtas na pagkain, laruan at produktong kosmetiko na maaaring mabili ng publiko.

Pinapayuhan din ng FDA ang lahat na sundin ang mga sumusunod na tips sa pamimili ng pagkain, laruan at produktong kosmetiko ngayong kapaskuhan.

1. Bumili ng mga produktong rehistrado sa FDA; maaaring makita ang listahan ng mga rehistradong produkto sa opisyal na website ng FDA o i-type lamang ang pangalan ng produkto na makikita sa label nito


2. Bumili lamang sa mga pamilihan na rehistrado sa FDA; ang publiko ay higit na pinapayuhan na huwag mamili sa mga lugar na kahina-hinala. Ang mga hindi rehistradong food products at unnotified na mga laruan at ptoduktong kosmetiko ay maaaring magdulot ng panganib sa kalusugan.

3. Basahin ang label; ang product label ay ang paraan upang malaman ang tamang impormasyon tungkol sa isang produkto gaya ng katangian, kalidad at dami nito, ito ang nagsisilbing gabay sa pamimili at paggamit ng isang produkto. Ang label ay hindi dapat pinapalitan o dinidikitan ng bagong expiration date, anumang pagkukulang sa impormasyon o pagpalit ng label ay nagsisilbing babala sa lahat sa pagpili ng bibilhing produkto.

Samantala, i-report sa FDA ang mga kahina-hinalang establishimento, gawain, pati na rin ang mga unregistered food products o unnotified na laruan at produktong kosmetiko, maaaring mag report sa pamamagitan ng mga sumusunod; FDA e-report o tumawag sa center for cosmetics regulation and research hotline sa numerong ‎857-1900 local 8113.

Facebook Comments